Ang Paglakbay sa Gitnang Silangan ng Mundo

Isa sa mga pinakamalaking lungsod ng United Arab Emirates na natatagpuan sa gitnang silangan ng mundo ay ang Dubai. Ang lungsod ng Dubai ay kinilala bilang marangyang pamimili, pinakamasulong na arkitektura at masiglang panggabing buhay sa mga iba’t ibang patutunguhan sa bansang ito.

Isa sa mga pinupuntahan ng mga turista at mga lokal na residente sa lungsod ng Dubai ay ang Dubai mall ay isa sa mga pinakamalaki at pinakadinadalaw ng mga tao sa buong mundo. Ang pamimilihan na ito ay may higit na 1,300 na “retail outlets” at 200 na kainan at painom. Sa pamimilihan na ito ay isa sa mga atraksyon na kadalasan pinupuntahan ng mga tao ay ang Dubai Aquarium na halos may 140 na uri ng hayop sa dagat, dito puwede maranasan ang mga aktibidad na ibibigay ng mga empleyado kagaya ng cage snorkeling at shark diving. Ang Dubai Mall ay isa sa mga nakakaibang pangpasyalan sa mundo, sa loob ng gusali na ito ay may Dubai Ski, ito ay isang malaking ispasiyo na puwede sumakay sa cable car, humiram ng kagamitan pang ski at pang snowboarding, at maglaro sa artipisyal na niyebe.

Pagkalabas ng Dubai Mall, matatanaw ang Burj Khalifa na isa rin sa pinakamatayog na gusali sa buong mundo na nakakahigit sa 2716.5 ft, pinakamataas na panlabasang pamamanasid na tanawin ng mundo. Ang nilalaman ng gusali na ito ay may pinakamahusay na marangyang hotel at napakaraming kainan sa loob. Kinikilala ito bilang “Centre of Now”. Ang konsepto sa pagpapatayo ng gusali na ito ay galing sa desert lily, ang rehiyonal na bulaklak na tumutuba sa disyerto ng United Arab Emirates.


Ang Burj Al Arab ay isa sa mga pinakamalaking gusali ng buong mundo na higit sa 1053 ft at ito lamang ay itinatawag na “7 star hotel”. Ang linalaman ng gusali nito batay sa panloob ng hotel ay may kawastuang antas ng 24 karat na ginto, ito ay pamamahay ng pangmaluwakang Swarovski Crystal Ceiling ng buong mundo at mahigit 24,000 sqm ang nasakop ng Statuario Marble sa hotel. Ang mga marble na ito ay ginamit ng isang italyanong artista na si Michaelangelo. Ang baybayin ng Jumeirah o itinatawag na Palm Jumeriah na katabi lamang ng Burj Al Arab ay isa sa mga talong baybayin na gawang tao bukod sa Isla ng Deira at Palm Jebel sa Dubai, United Arab Emirates. Ngunit, ang Isla ng Deira ay hindi pa kumpleto sa pagbubuo ng baybayin. Ang baybayin ng Palm Jumeira ay malalapitan ng lahat sa kadahilan na walang kailangan na babayarin para makapunta sa baybayin na ito at bukas ito para sa lahat.

Ang gamit sa paglakbay upang makarating sa Gold at Spice Souk ay paggamit ng isang bangka na umaabot ng 2 kms simula sa Dubai Museum. Ang Gold Souk dito makikita ang pinakamlaking singsing na gawa sa ginto at brilyante na naghahalaga ng 11 million dirhams. Nakikita rin dito ang mga tunay na alahas na puwede rin itawad ang presyo. Ilang minuto sa paglakbay gamit ang bus ay makakarating na sa Spice souk. Ang Spice Souk ay may iba’t ibang uri ng sangkap na hindi natin kadalasan nakikita sa ating bansa ng Pilipinas at ibinebenta ito bawat gramo ng sangkap at bawat kilo ng mga rock salt at himalayan salt.

Ang istruktura ng Dubai Museum na matatagpuan sa Al Fahidi Fort ay puro gawang makulay na buhangin na mga bahay nagbibgay ng prekong hangin. Ang museo na ito ay naglalaman ng mga bapor na pamimilihan, kultural na exhibit, sining na galeriya at cafe. Ang museo na ito ay may dalawang kanon na nagbabantay para ipagtanggol ang pagpasukan ng Al Fahidi Fort upang maprotektahan ang pagaatake ng mga pirata nung sinaunang panahon.

Ang Atlantis The Palm, Dubai ay isa rin kabilang sa 5 star hotel at isa sa mga marangya na hotel at resort na matatagpuan sa tuktok ng The Palm at ito ay unang ipinatayo sa isla batay sa alamat ng Atlantis at kasama sa mga natatangi na elemento ng mga Arabiano. Nagbibigay rin ng Underwater Aquarium, lumangoy kasama ang mga dolphin at malulugod na daan upang maranasan ang Adventure Water Park at Ang Lost Chambers Aquarium.

Follow My Blog

Get new content delivered directly to your inbox.

5 thoughts on “

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started